Home NATIONWIDE Aplikasyon ng 22 party-list groups para sa Eleksyon 2025 binubusisi pa ng...

Aplikasyon ng 22 party-list groups para sa Eleksyon 2025 binubusisi pa ng Comelec

MANILA, Philippines- Sumasailalim pa rin sa pagsusuri o evaluation ang hindi bababa sa 22 party-list groups na nag-apply para sa akreditasyon para sa 2025 May polls, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) noong Biyernes.

Sa isang panayam, sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na 34 lamang sa halos 200 aplikasyon ang nakapasa sa assessment ng poll body.

Inilabas na ng Comelec ang guidelines para sa paghahain ng certificate of candidacy at nomination of and acceptance ng opisyal na kandidato ng mga rehistradong political parties o koalisyon ng political parties.

Base sa patakaran, inulit ng poll body na ang bawat party-list group, political party, sectoral party, organization, o coalition ay kailangan lamang magsumite ng 10 nominees na kinatawan ng kanilang grupo.

Ayon kay Garcia, 10 nominado lamang ang pwedeng mailagay at hindi papayag ang komisyon na maglalagay ng panibagong kapalit o listahan sakaling biglang umatras.

Itinakda rin ng mga alituntunin ang mga political convention para magmungkahi ng mga opisyal na kandidato para sa lahat ng elective na posisyon para sa 2025 NLE at Bangsamoro polls mula Setyembre 1 hanggang Setyembre 28, 2024.

Samantala, sa isa pang resolusyon, inilabas ng Comelec ang mga patakaran para sa pagtukoy sa dominanteng partidong mayorya, partidong minorya, 10 pangunahing partidong pambansa, at dalawang pangunahing partidong lokal para sa 2025 NLE at Bangsamoro polls. Jocelyn Tabangcura-Domenden