LUCENA CITY- Patay sa pamamaril ang isang sundalo ng Philippine Army nitogn Huwebes, na hindi pa natutukoy na gunman sa bayan ng San Mateo sa Rizal.
Sa ulat nitong Biyernes, sinabi ng Region 4A na natagpuan ang katawan ni Corporal Christian Tapia, 30, na nakahandusay sa kahabaan ng Timberland Avenue sa Barangay Malanday bandang alas-10 ng umaga.
Sinabi ng mga pulis na narinig ng isang security guard ang putok ng baril at nang suriin niya ito, natagpuan nitong patay ang biktima na may tama ng baril sa ulo.
Kinilala ang biktima sa ulat na isang intelligence operative sa 80th Infantry Battalion ng Army.
Gumugulong na ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng gunman at motibo sa likod ng insidente. RNT/SA