Home METRO Ex-gov ng Albay diniskwalipika sa pagtakbo sa parehong posisyon

Ex-gov ng Albay diniskwalipika sa pagtakbo sa parehong posisyon

MANILA, Philippines- Diniskwalipika ng Commission on Elections (Comelec) si dating Albay Governor Noel Rosal sa pagtakbo para sa parehong posisyon sa darating na May 2025 elections.

Sa 17 pahinang desisyon, binanggit ng Comelec Second Division na ang pagkakatanggal kay Rosal ng Office of the Ombudsman noong Disyembre 2022 dahil sa paglabag sa local Government Cose (LGC).

Nag-ugat ang diskwalipikasyon mula sa petisyon na inihain ni Josefino Dioquino na nangatuwiran na ang pagkakatanggal kay Rosal ay naging dahilan upang hindi karapat-dapat ang dating opisyal na tumakbo sa pwesto.

“The Joint Resolution of the Ombudsman found Respondent guilty of grave misconduct, oppression, and two counts of conduct prejudicial to the best interest of the service, and was meted the penalty of dismissal from service,” binanggit ng Comelec.

Si Rosal na naghain ng kanyang certificate of candidacy noong Oktubre para tumakbo muli para sa pagka-gobernador ay umapela sa desisyon ng Ombudsman.

Gayunman, binigyang-diin ng Comelec na ang dismissal ay ‘ ‘immediately executory’ at hindi nakaaapekto sa apela.

Si Rosal ay naupong gobernador matapos manalo noong May 2022 elections ngunit natanggal din dahil sa reklamo na may kaugnayan sa disbursement at paglabas ng pondo ng gobyerno sa panahon na ipinagbabawal bago ang regular elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden