MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes na mananatiling matatag ang strategic partnership ng Pilipinas sa South Korea sa gitna ng umiiral na political situation sa bansa, matapos bumoto ng Korean lawmakers upang patalsikin ang presidente nito kasunod ng short-lived martial law.
“With recent developments on the political challenges in the Republic of Korea, the Philippines is confident of Korea’s ability to navigate the way forward through peaceful and constitutional means, reflecting the maturity and resiliency of its democracy,” anang DFA.
Bumoto ang Korean lawmakers na patalsikin si President Yoon Suk-yeol sa sorpresang deklarasyon nito noong Dec. 3 ng martial law, na kinalos makalipas ang anim na oras.
Naniniwala ang Pilipinas na ang relasyon nito sa South Korea ay mananatiling mabuti, partikular sa pagpapairal ng Free Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng dalawang bansa.
Samantala, pinatalsik din ng parlyamento ng South Korea si acting President Han Duck-soo nitong Biyernes.
Bumoto ang parlyamento upang tanggalin si Han, na nagsisilbing acting president mula nang patalsikin si Yoon.
Ipinasa ang mosyon sa pangunguna ng opposition parties sa 192 ng 300 boto na inalmahan ng People Power Party members. RNT/SA