MANILA, Philippines- Umaasa si Caloocan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na maipapasa ang isang batas para mabayaran ang mga taong nakulong at tuluyang napawalang-sala ng korte.
Sinabi ng kardinal na ang kompensasyon ay dapat katumbas ng minimum wage na binibilang ang taon na ginugol sa ‘hindi makatarungang’ na pagkakakulong upang mabigyan sila ng pagkakataon at mapagkukunan para magsimula ng bagong buhay.
Nagdaos ng misa ang kardinal noong Huwebes para sa mga pulitical prisoners at iba pang taong pinagkaitan ng kalayaan (PDL) sa Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Taguig City, na kasabay ng pagbisita ni Pope Francis sa isa sa pinakamalaking prison complex sa Italy para sa 2025 Catholic Holy Year.
Sa kanyang homiliya, nagsalaysay ng mga kwento ang kardinal tungkol sa tunay na kahulugan ng mabuting pakikitungo at ang pangangailangang “alisin ang mga pader ng poot, ekonomiko at kultural na pagkakabaha-bahagi…at sa halip ay bumuo ng mga tulay na magbubuklod sa atin.”
Ginawa ni David ang pahayag bilang reaksyon sa pahayag ng political prinoser na si Adelberto Silva, na nagsalaysay na sa MMDJ, ilang Muslim na detenidong kailangang maghintay ng 21 taon bago maipahayag ang kanilang mga kaso.
Sinabi ni Silva na ang mga napatunayang nagkasala ay nag-apela sa desisyon, at lima ang kalaunan ay napawalang-sala. Ang isa pang kaso, idinagdag niya, ay tumagal ng 17 taon bago ang promulgasyon.
Ang Republic Act No. 7309, na pinagtibay noong 1992, ay lumikha ng Board of Claims (BOC) sa ilalim ng Department of Justice upang bayaran ang mga biktima ng hindi makatarungang pagkakulong o detensyon ng hanggang P1,000 kada buwan.
Ang BOC ay maaari ring magbigay ng mga claims ng hanggang P10,000 “o ang halagang kailangan para mabayaran ang claimant ng mga gastos na natamo para sa pagpapaospital, pagpapagamot, pagkawala ng sahod, pagkawala ng suporta, o iba pang gastos na direktang nauugnay sa pinsala, alinman ang mas mababa.
Noong Hulyo 2024, ang Korte Suprema ay nagpasya na upang maging karapat-dapat sa kabayaran sa ilalim ng Seksyon 3(a) ng RA 7309, “ang isang indibidwal ay dapat na hindi makatarungang nakulong dahil sa isang conviction.”
Sa pagbisita ni Francis sa nasabing bilangguan, sinabi ng niya sa isang ulat na ang bilangguan ng Rebibbia ay isa sa lima na bubuksan niya sa panahon ng Holy Year upang ipakita na “ang pag-asa ay hindi nabigo.” Jocelyn Tabangcura-Domenden