Home HOME BANNER STORY Atong Ang nasa Pinas pa rin – BI

Atong Ang nasa Pinas pa rin – BI

347
0

MANILA, Philippines – Nanatili sa Pilipinas si negosyanteng Charlie “Atong” Ang, na nahaharap sa maraming kasong kriminal kaugnay ng pagkawala ng mga “sabungero,” ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Ani BI spokesperson Dana Sandoval, wala itong “recent recorded travel.”

Noong Disyembre 9, naghain ang Department of Justice ng 26 na kaso laban kay Ang at 21 iba pa sa regional trial courts sa Batangas at Laguna, kabilang ang 10 kaso ng kidnapping na may kasamang homicide at 16 kaso ng kidnapping na may seryosong illegal detention. Plano ng DOJ na hilingin ang transfer of venue sa Manila.

Kabilang sa mga akusado ang ilang pulis at sibilyan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here