Home NATIONWIDE MMDA sa publiko: Gumamit ng mass transport para bawas-trapik sa Kapaskuhan

MMDA sa publiko: Gumamit ng mass transport para bawas-trapik sa Kapaskuhan

308
0
(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Hinihikayat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na gumamit ng pampublikong transportasyon upang mabawasan ang trapiko sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay MMDA chairman Don Artes, lumampas na sa kapasidad ng pangunahing kalsada tulad ng EDSA ang bilang ng sasakyan, umabot sa 450,000 laban sa kapasidad na 250,000.

Upang tugunan ang trapiko, nakikipag-ugnayan ang MMDA sa Department of Transportation para pahabain ang oras ng operasyon ng MRT at LRT, nagsasagawa ng clearing operations sa alternate routes tulad ng Mabuhay Lanes, at hinihikayat ang mga mall na iwasan ang malawakang sale sa peak hours.

Layunin ng mga hakbang na ito na hikayatin ang publiko na huwag gumamit ng pribadong sasakyan. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here