Home METRO Away-bata, nauwi sa saksakan ng mag-ama

Away-bata, nauwi sa saksakan ng mag-ama

133
0

ROXAS, Isabela – Away ng bata ay humantong at nauwi sa saksasakan ng kanilang mga tatay sa Sitio Caragsakan Brgy. Rizal, Roxas, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon kay PMaj. Ardee Tion hepe ng Roxas Police Station ang biktima ay kinilalang si Ryan Jay Lintao, 33-anyos, isang magsasaka habang ang nanaksak ay si Chacel Castillo, 35-anyos, isa ring magsasaka, at residente rin sa nasabing lugar.

Una rito, nagtalo ang magpinsan na mga anak ng biktima at suspek ngunit naawat din. Ilang sandali ang nakalipas, nagkakomprontahan ang dalawang tatay ukol sa pag-aaway ng kani-kanilang mga anak na nagresulta sa mainit na argumento.

Habang nagtatalo ang dalawa, biglang kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak si Lintao sa tiyan nito.

Naiulat ang pangyayari sa Roxas Police Station na agad namang rumesponde kaya’t naaresto din ang suspek na nahaharap sa kasong Frustrated Murder.

Habang ang biktima ay itinakbo sa pagamutan na hanggang sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa ang lagay nito dahil sa tinamong sugat. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here