Home OPINION AYUDA TINODO NA, OLATS PA RIN

AYUDA TINODO NA, OLATS PA RIN

PINAYUHAN ng isang propesor ng survey firm sina Manila Mayor Honey Lacuna at isa sa mga katunggaling si Sam Versoza na magpursige at lalo pang magsipag sa pangangampanya para makaungos sa nangunguna sa maraming survey na si Isko Moreno ukol sa gagawing halalan sa Maynila.

Aba’y mantakin n’yo, mismong ang nag-survey na OCTA Research ang tila nagsasabing “ngayon pa lang ay olats” na sina Honey at Sam kay Isko.

Sinabi ni Prof. Ranjit Rye ng OCTA Research, kahit pa pagsamahin ang suporta nina Lacuna at Versoza, hindi nito malalampasan ang “commanding lead” ni Isko para sa 2025 mayoral race sa Maynila. Araguy, napakasakit Kuya Eddie!

Base sa survey na isinagawa simula March 2-6, ang second-placer na si Versoza ay 16% at ang third-placer na si Mayor Honey Lacuna ay may 15%, at kahit pa pagsamahin, hindi makaaabot kahit sa kalahati ng 67% voter percentage ni dating Mayor Isko.

Ang kaawa-awa dito mga Ka-KANTO ay si Mayor Honey. Biruin n’yo, siya ang incumbent at inaasahan ng lahat na mangunguna subalit inigpawan pa rin ng ‘di naman gaanong kilala sa Maynila na si Versoza.

Kaya pinayuhan ni Prof. Ranjit Rye sina Honey at Sam na magtriple kayod para naman kahit papaano ay “makakita ng pag-asa at liwanag” dahil para sila ngayong nasa kawalan. Hehehe.

Ang tanong e, kakayanin pa kaya nila si Isko?

Sa totoo lang, naging malaking factor sa pagkasilat sa mga survey ni Mayor Honey ay ang nakakikita ng mga tao na pagpapabaya niya sa kalinisan, kaayusan at katahimikan sa lungsod. Parang walang batas na umiiral. Ang mga traffic aide niya ay mga abuso. Lahat ng kalsada ay pinagkaperahan. Yun bang ginawang pay parking kahit na eskinita.

Sa panahon niya pumanghi, bumantot at naging dugyot na naman ang Maynila. Kaya marahil na-miss ng Manilenyo si Isko.

Ang hands-on leadership style ni Yorme sa kalinisan, disiplina at kaayusan sa nation’s capital.