
MANILA, Philippines- Posibleng makaranas ang siyam na lugar sa bansa ng “danger level” heat index ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.
Tinukoy ng PAGASA ang mga lugar na may 42°C hanggang 51°C heat index na nasa ilalim ng danger category, na may hatid na health risks tulad ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
Batay sa 5 p.m. April 3 bulletin, tinataya ng state weather bureau na makararanas ang Hinatuan, Surigao del Sur ng 45°C heat index.
Samantala, nakaamba namang umabot ang Dagupan City, Pangasinan sa 44°C.
Sinabi rin ng PAGASA na maaaring umabot ang temperatura sa mga sumusunod na lugar sa 42°C:
Coron, Palawan
San Jose, Occidental Mindoro
Puerto Princesa City, Palawan
Virac (Synop), Catanduanes
Iloilo City
Dumangas, Iloilo
Butuan City, Agusan del Norte