Home ENTERTAINMENT Azi Acosta, naniniwala sa gayuma!

Azi Acosta, naniniwala sa gayuma!

Manila, Philippines – Isa ang mga pelikula ng Vivamax sex siren na si Azi Acosta ang talagang pinapanood ng mga subscribers nito.

No less than boss Vincent del Rosario harped the fact na isa si Azi sa Vivamax’ prized possessions.

Sa latest movie ni Azi na Huwad, mapapanood siya rito bilang isang babae na gagamit ng gayuma para muling mapaibig ang kanyang asawa.

At sa kagustuhan nga niyang mapanatiling buo ang kanyang pamilya, hihingi ng tulong si Romina (Acosta) sa isang albularyo matapos matuklasan ang pagtataksil ng kanyang asawa na si Lando (Aerol Carmelo) sa isang babaeng nagngangalang Sue (Chloe Jenna). Makakatanggap siya ng gayuma na naglalayong magpapaibig muli sa kanyang asawa.

Tanong tuloy ng entertainment media, sa totoong buhay ba ay naniniwala siya sa gayuma?

“Naniniwala ako sa gayuma kasi sa dinami-rami nating nabuhuhay sa universe, hindi naman siya siguro naimbento kung hindi siya totoo,” pagrarason ni Azi.

Pero iba naman ang pananaw ng kanyang co-star na si Chloe Jenna.

“Mas naniniwala ako sa karma kesa sa gayuma,” sabi naman niya.

Anyway, sa pelikula ay may kakaibang twist ang gayuma at magkakaroon ito ng hindi inaasahang epekto and for that exciting part of the story, it’s indeed worth watching for.

Sa June 28 na ang streaming ng Huwad sa Vivamax. Kasama rin sa pelikula sina Aerol Carmelo at Pola mayor Ina Alegre, directed by Reynold Giba. JP Ignacio