Home METRO Babae kinatay ng ama sa pag-aaksaya ng tubig

Babae kinatay ng ama sa pag-aaksaya ng tubig

NEGROS OCCIDENTAL- PUTOL ang kamay at tadtad ng taga ang katawan ng isang babae matapos itong pagtatagain ng sariling ama makaraan pagalitan magtalo ang mga ito matapos pagalitan ng huli ang dalawang anak ng una dahil sa pag-aaksaya ng tubig, noong Huwebes sa probinsyang ito.

Kinilala ang biktimang si Roselyn Sulan, 27 habang sumuko naman ang suspek at ama nitong si Richard Sulan, 51-anyos at kapwa nakatira sa Purok Kawayanan, Barangay Rafaela Barrera, Sagay City, Negros Occidental.

Batay sa report ng Sagay Police Station, dakong 1:00 PM ng hapon nang maganap ang krimen sa nasabing lugar.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang ama na nauwi sa banta ng anak na si Roselyn na papatayin nito ang kanyang ama.

Nabatid, bago ang krimen naliligo ang mga anak na menor de edad ng biktima sa banyo ng kanilang lolo (suspek).

Nagtungo sa banyo ang suspek at nakita nito ang mga apo (anak ng biktima) na naglalaro ng tubig dahilan para pagalitan ang mga ito dahil sa hirap ng tubig sa mainit na panahon ay nagtatapon ang mga ito ng tubig.

Dahil dito, nagsumbong ang mga bata sa kanilang (biktima) na ikinagalit ng biktima at sinugod ang ama na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga nito ang anak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Dinala naman sa ospital ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong parricide. Mary Anne Sapico