Home METRO Maguindanao del Sur isinailalim sa state of calamity sa El Niño

Maguindanao del Sur isinailalim sa state of calamity sa El Niño

MAGUINDANAO DEL SUR- IDINEKLARA ng pamahalaang panlalawigan ang Maguindanao del Sur sa state of calamity dahil sa masamang epekto ng El Niño phenomenon.

Inaprubahan ni Gov. Mariam Sangki-Mangudadatu ang Resolution No. 39 na ipinasa ng provincial board noong Abril 16, para magdeklara ng state of calamity sa buong probinsya dahil matagal na nararanasan pagkatuyo ng lupa sa halos 20 mula sa 24 na bayan ang apektado.

Nagdulot na P346 milyon ang pinsala ng El Niño sa pagkasira ng mga panananim at pagkamatay ng mga hayop.

Sinabi ni Mangudadatu na hindi bababa sa 5,600 magsasaka ang nawalan ng kabuhayan dahil sa matinding init na sinira ang mga bukirin ng mais at palay, saging, alagang hayop, at manok.

Ang lalawigan ay isa sa mga apektadong lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ang BARMM ay binubuo ng mga lalawigan ng Basilan, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Sulu, at Tawi-Tawi.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) climate outlook na ang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur ay kabilang sa mga lalawigan sa bansa na may mas mababa sa normal na pag-ulan ngayong buwan.

Nakapagtala ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na nasa 41 degrees Celsius ang average na heat index sa lalawigan sa nakalipas na limang araw.

Iniulat ng BARMM Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR) na 19,731 ektarya ng mais at 5,472 ektarya ng palay sa rehiyon ang nawasak dahil sa matinding init. Halos 700 ektarya ng mga sakahan ng gulay, 45 ektarya ng mga puno ng prutas, at 56 na ektarya ng root crops ay nawasak din. Mary Anne Sapico