Home METRO Babae sa kanal sa Makati tatanggap ng P80K puhunan sa DSWD

Babae sa kanal sa Makati tatanggap ng P80K puhunan sa DSWD

246
0

MANILA, Philippines – Pagkakalooban ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P80,000 na tulong-pangkabuhayan ang viral na babaeng lumabas mula sa kanal sa Makati.

Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang ayuda kay ‘Rose’ ay upang makapagsimula siya ng sariling sari-sari store.

Nakipagkita si Gatchalian kay Rose sa Pag-abot Center sa Pasay City at kinumpirmang tutulungan din si Rose sa mga outreach program.

Ayon kay Rose, pumasok siya sa kanal upang kunin ang cutter na nahulog.

Ang kanyang partner na si Jerome, isang baker at marunong mag-welding, ay maaaring bigyan ng training at welding machine para sa mas matatag nilang kita. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here