Home NATIONWIDE Paninisi ni Kaufman kay PBBM sa pagkakulong ni Digong binuweltahan ng Malakanyang

Paninisi ni Kaufman kay PBBM sa pagkakulong ni Digong binuweltahan ng Malakanyang

255
0

MANILA, Philippines — Matapang na tinuligsa ng Malakanyang ang pahayag ni Atty. Nicholas Kaufman, lead counsel ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, kaugnay ng paninisi nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagkakakulong ni Duterte sa International Criminal Court (ICC) detention center sa The Hague, Netherlands.

Sa isang panayam, direktang sinabi ni Kaufman na si Pangulong Marcos ang “totoong prosecutor” sa kaso ni Duterte.

“The real prosecutor in this case is actually in Manila, sitting in his Palace. He’s the person who threw [former] President Duterte over here to The Hague,” ani Kaufman, sabay ng paratang na ginagamit umano ng pangulo ang kaniyang kapangyarihan para sa pansariling interes.

Nagpahayag naman ng mariing pagtutol si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa mga akusasyon.

“Is that you, Atty. Harry Roque, talking? You’d think it was him making such a comment,” ani Castro, na sinundan ng akusasyong napapalibutan si Kaufman ng mga fake news peddlers.

Ayon kay Castro, halatang hindi batid ng abogado ang tamang timeline at mga totoong detalye ng kaso.

“He doesn’t know the timeline; he doesn’t know the facts of the case. He should be concentrating on his job as a counsel, not engaging in rumor mongering,” dagdag ni Castro.

Samantala, ikinatuwa rin ng Malakanyang ang pag-amin ni Senadora Imee Marcos sa isang “pagkakamali” na may kaugnayan sa pagkikita nila ni Atty. Kaufman.

Sa isang viral post, ibinahagi ni Marcos ang litrato nila ni Kaufman at sinabing:

“Hindi ako naghintay ng 39 years para lang magkamali muli. May Marcos na natuto sa kasaysayan.”

Ayon kay Castro: “Masaya po na umaamin si Senator Imee Marcos sa kaniyang mga pagkakamali.”

Gayunman, nang tanungin umano si Pangulong Marcos ukol dito, ay tumanggi itong magbigay ng pahayag: “No comment.”

Kinumpirma ng senadora na nagtungo siya sa The Hague, Netherlands, kasama si Vice President Sara Duterte upang ipaabot ang suporta para kay dating Pangulong Duterte. Ayon kay Marcos, nauunawaan niya ang hirap ng pagkawalay sa sariling bayan at hinahangad niyang maiuwi ito sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.

“Isa akong Marcos na natuto sa kasaysayan,” ani Imee, kaugnay ng karanasang sinapit ng kanyang pamilya matapos ang 1986 EDSA Revolution. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here