Home METRO Babaeng bumbero tinaga habang rumeresponde sa sunog sa Sorsogon

Babaeng bumbero tinaga habang rumeresponde sa sunog sa Sorsogon

2
0

SORSOGON — Sugatan ang isang babaeng bumbero matapos siyang pagtatagain sa likod ng may-ari ng bahay na kanyang tinutulungang apulahin sa Barangay Bangate, Barcelona, Sorsogon.

Ayon kay Fire Superintendent Anthony Arroyo, spokesperson ng Bureau of Fire Protection (BFP), madaling-araw ng Linggo nang rumesponde si Fire Officer 2 Kris Ann Conda at iba pang bumbero sa nasusunog na bahay na gawa sa light materials.

Habang inihahanda umano ni Conda ang kanilang kagamitan, bigla siyang pinagtataga sa likod ng suspek na isang senior citizen.

Agad dinala sa ospital ang bumbero. Stable na ang kanyang kondisyon at patuloy na nagpapagaling.

Hinabol naman ng mga awtoridad ang suspek at kalaunan ay nadakip. Narekober sa kanya ang bolong umano’y ginamit sa pananaga at isa pang patalim.

Sinabi ni Arroyo na dati na ring nasangkot sa insidente ng pananaga ang lalaki. Hindi pa malinaw kung ano ang motibo nito sa pag-atake kay Conda.

Ayon sa BFP, ipinapakita ng insidente ang mga panganib na kinakaharap ng mga bumbero hindi lamang sa mismong sunog kundi maging habang nakikipag-ugnayan sa mga tao sa lugar ng insidente.

Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na huwag hadlangan o pakialaman ang operasyon ng mga bumbero dahil maaari itong makaantala sa pagtugon at maglagay sa panganib sa mga responder at iba pang tao. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here