Home ENTERTAINMENT Babaeng kalandian ni Philmar, nagsalita na!

Babaeng kalandian ni Philmar, nagsalita na!

Manila, Philippines – Binigyan agad ng malisya ng ibang netizens ang pakikipag-usap ni Philmar Alipayo sa isang babae na nakunan ng video.

Viral sa loob nang ilang araw ang tagpong ‘yon sangkot si Philmar, ang partner ni Andi Eigenmann.

Pinag-isipan agad na “flirting” o lumalandi ang babae kay Philmar.

Naka-upload ang naturang video sa TikTok account ng babaeng may handle name na Habibi Main.

The account was later traced to Krishal King Habibi–na siya rin–isang negosyante at CEO ng Habibi King Essential.

Isang netizen ang nanita kay Habibi at nagsabing lubayan si Philmar na masayang kapiling ang karelasyong si Andi.

Pakiramdam kasi ng netizen, may “flirting” o paglalanding nagaganap sa parte ng babae.

In her native dialect, translated in Filipino ay iginiit ni Habibi na huwag gawan ng isyu ang pag-uusap nila ni Philmar.

Inamin pa niya na wala pa sa kalingkingan ng ganda ni Andi kung ikukumpara ang hitsura niya.

Tinataya naman ng ibang netizens na posibleng naganap ang pakikipag-usap sa pagitan nina

Philmar at Habibi nang sandaling magbakasyon si Andi at ang kanyang mga anak sa Japan kamakailan.

Nagpaiwan kasi si Philmar sa Siargao dahil nagpapagaling pa ito buhat nang maospital.

Sa ngayon, wala pang reaksyon si Andi mismo kaugnay ng viral video na ‘yon ng karelasyon at ni Habibi. Ronnie Carrasco III