Home METRO Babaeng pasahero ginahasa ng drayber, konduktor sa puting van

Babaeng pasahero ginahasa ng drayber, konduktor sa puting van

MANILA, Philippines – Ginahasa ang isang 19-anyos na dalagitang pasahero ng mismong drayber at konduktor nito.

Sa ulat, nanggaling ang biktima sa Maynila at sumakay sa van kasama ang iba pang mga pasahero patungo sa Surigao del Sur.

Nang magbabaan na ang mga pasahero ay naiwan na lamang mag-isa ang biktima.

Ayon sa biktima, tumigil ang van sa isang convenience store para kumuha umano ng pasahero ngunit pagbalik ng drayber at konduktor ay alak na ang dala nito.

Nang maubos ang alak ay doon na itinali ng mga suspek ang kamay ng biktima saka pinagsamantalahan.

Matapos gahasain ay inikot pa ang biktima sa ibang lugar bago tuluyang iniwan sa terminal sa Claver, Surigao del Norte.

Doon na nakapagsumbong ang biktima sa mga awtoridad.

Naaresto naman ang mga suspek na naka-check in sa isang lodging house.

Sinabi ng mga suspek na nadala lamang sila sa impluwensya ng alak. Humingi ng tawad ang mga ito sa biktima subalit mahaharap pa rin ang mga suspek sa kasong rape.

Narito ang pangalan ng mga rapist:

Tonton Enopia
Don Clemente Paje