Home ENTERTAINMENT Baby Go, itutuloy ang laban!

Baby Go, itutuloy ang laban!

Manila, Philippines – Ilang linggo matapos ang pinatawag na mediacon ng BG Films Producer tungkol sa kanyang official statement laban sa isang modelo at negosyante ay nakipagkita ulit siya sa piling grupo ng entertainment media para sabihing tuloy pa rin ang laban.

Kung matatandaan ay tinawagan si Madam Baby ng nasabing modelo kung saan ay tinawag siyang ‘scammer’. Nai-video ‘yun at nai-post sa FB ng modelo na nag-trigger naman may Madam Baby na mag-issue ng official statement.

Kasama ni Madam Baby Go ang kanyang lawyer na si Atty. Ferdie Topacio ay sasampahan daw nila ng kasong cyber libel ang modelo.

As of this writing ay hindi la naila-file ang kaso laban sa nasabing modelo ngunit ibinalita ni Baby Go na tuloy ang kanyang laban at inaayos lang daw ng opisona ni Atty- Topacio ang mga documents upang ma-file ng maayos ang kaso.

“Wala na itong atrasan. Laban kung laban dahil pinahiya niya ako sa FB.

“Siyempre damay rin dito ang BG Films, ang magazine ko at ang iba ko pang negosyo.

“Inaayos lang talaga namin ng mabuti ang mga documents para hindi tayo ma-technical kalag na-file na ang kaso sa korte,” paliwanag ni Madam Baby.

May nakapagsabi naman sa amin na may pumapadrino sa dalawang partido para magka-ayos ngunit sa ngayon ay desidido pa rin ang BG Films matriarch na ituloy ang laban. JP Ignacio