Home NATIONWIDE Pagpapatalsik sa mga tauhan ng BI na sangkot sa ‘pastillas scheme’ sinang-ayunan...

Pagpapatalsik sa mga tauhan ng BI na sangkot sa ‘pastillas scheme’ sinang-ayunan ng CA

MANILA, Philippines – Sinang-ayunan ng Court of Appeals ang desisyon ng Office of the Ombudsman na tanggalin sa serbisyo ang ilang mga empleyado ng Bureau of Immigration na nasangkot sa “pastillas scheme”, kung saan pinayagan noon ang illegal na pagpasok ng ilang Chinese citizens sa bansa.

Sa 27 na pahinang desisyon, sinang-ayunan ng CA Fifth Division na “administratively liable” sina Deon Albao, Danieve Binsol, Fidel Mendoza, at Chevy Chase Naniong dahil sa grave misconduct at “conduct prejudicial to the best interest of the service.”

Ayon pa sa korte, sina Albao at Binsol ang itinuturing na mga boss ng pastillas scheme, si Mendoza naman ang kanang-kamay ng boss, at si Naniong ay sangkot din.

“To begin with, the Court finds that there can be no doubt as to the existence of the pastillas scheme in the BI and the conspiracy among some of its employees to perpetrate the scheme,” sinabi ng CA.

“The evidence presented by the FIO – consisting of affidavits of Chiong ang Ignacio and several photographs of conversation among BI employees, among others – substantially established the modus operandi of these employees,” dagdag pa.

Ang kaso ay nag-ugat sa mga petisyong inihain ng apat na mga dating empleyado ng BI laban sa naturang desisyon, kung saan lumalabas na sila ay guilty sa grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Samantala, hindi naman kinilala ng CA ang mga argumento ng mga naghain ng petisyon na ang mga reklamo laban sa kanila ay dahil lamang umano sa ispekulasyon at sabi-sabi ng mga witness. RNT/JGC