Home NATIONWIDE Bagong CPAs, binati ni PBBM

Bagong CPAs, binati ni PBBM

MANILA, Philippines- Kinilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bagong certified public accountants ng bansa, at tiniyak ang suporta ng pamahalaan para sa kanila.

Binati ni Marcos ang licensure exam passers sa Twitter post nitong Miyerkules.

“Congratulations to our new certified public accountants!” aniya.

“May this feat inspire more of our countrymen to join this vital profession and make a significant impact on our workforce. Our government is committed to supporting you,” dagdag ng Pangulo.

Base sa Professional Regulation Commission (PRC), 2,239 sa 7,376 examinees ang pasado sa May 2023 Certified Public Accountant Licensure Exam (CPALE).

Katumbas ito ng 30.36 porsyentong passing rate.

Namayagpag sa pagsusulit si Alexander Salvador Centino Bandiola Jr. mula sa University of the Cordilleras.

Itinanghal naman ang University of the Philippines-Diliman bilang top school sa licensure exam na may 93.22 porsyentong passing rate. RNT/SA