MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng panibagong kaso laban kina dating Budget Undersecretary Christopher Lao at ilang opisyal ng Pharmally Pharmaceuticals Inc. dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act bunsod ng maanomalyang pagbili ng P4.4 bilyong halaga ng medical supplies noong 2020.
Sa resolusyong inaprubahan ni Ombudsman Samuel Martirez, kasama sa kakasuhan din ang 13 kawani ng Department of Budget and Management – Procurement Service dahil sa pamemeke.
Ang 13 tauhan ay nameke umano ng mga dokumento para sa pagbili ng mga surgical masks, personal protective equipment at iba pang COVID-19 supplies.
Magugunita na May 2024 ay pinagtibay ng Ombudsman ang desisyon nito noong 2023 na sampahan ng patong-patong na bilang ng kasong katiwalian sina Lao at Pharmally officials dahil sa P4 bilyong halaga ng RT-PCR COVID-19 test kits. Teresa Tavares