Inilunsad ng Triple Diamond Gaming Incorporated (TDGI), isang kumpanyang rehistrado sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at nasa pangangasiwa ng negosyanteng si Atong Ang, ang Fiesta Fruit Game Apple to Apple bilang pinakabagong mapaglilibangan para sa mga responsableng Pinoy gamer.
Matapos mabuksan ang state-of-the-art studio ng TDGI nitong Disyembre 6, pinasimulan ng grupo ni Ang ang arangkada ng Apple-to-Apple — sa mga piling off-studio betting stations sa Kamaynilaan at ilang karatig lalawigan na kasalukuyan ngayong umaani ng suporta mula sa mga legal na manlalaro.
Mahahalintulad din sa larong Lotto na mapapanood ang mga live draw sa pamamagitan ng livestreaming sa lahat ng on-line platform tulad ng Facebook at Instagram, ang Fiesta Fruit Game ay laro sa pagitan lamang ng dalawang pipiliang kulay.
Sa tatlong roleta, pipili lamang ang mga manlalaro ng kulay na pula o puti para sa bawat ikot na may minimum na tayang P10 piso. Sa pagkakataong lumabas ang napiling kulay sa tatlong roleta may naghihintay na P280 pesos na panalo sa bawat P100 pisong taya.
Sa mga interesadong makiisa sa Fiesta Fruit Game, maaaring gamitin ang inyong PayMay, Gcash at FortunePay accounts. Kasalukuyan ding bukas ang TDGI sa mga aplikante na nagnanais maging ahente ng naturang laro.
Ang buwis na makokolekta ng PAGCOR sa naturang laro ay nagagamit sa mga programa ng ahensiya para sa taong-bayan, gayundin sa pagpapaunlad ng sports sa bansa sa pamamagitan ng pagtustos sa pagsasanay at partisipasyon ng Pambansang Atleta sa mga torneo sa abroad.
Para sa karagdagang impormasyon hingil sa naturang laro buksan ang Fiesta Fruit Game Apple to Apple account sa Instagram: Official.AppleToApple, Tiktok: Official.AppleToApple at Youtube: https://youtu.be/py6BH_arlww?si=qD49EBuLNsdykYyK.