MANILA, Philippines – BUKAS na ngayon ang westbound off-ramp ng Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAX) sa kahabaan ng Andrews Avenue patungo sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City.
Mababawasan ang travel time ng 15 hanggang 25 minuto para sa mga motorista na manggagaling mula sa SLEX, Skyway Stage 3, at Lawton Avenue, partikular na tuwing peak hours.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Biyernes ang pagbubukas ng NAIAX – Westbound Off-Ramp to NAIA Terminal 3 Project, isang 320-meter-long road na matatagpuan sa Barangay 183, Pasay City, na naglalayong paluwagin at paghusayin ang trapiko sa airport terminal area.
“Ito ay isang bahagi lamang ng mga ating ginagawa, lalong-lalo na [sa] paghahanda sa Holy Week,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang mensahe sa nasabing event.
Kasama ng Pangulo sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Acting Secretary Vivencio Dizon; Ramon Ang, Chairman and Chief Executive Officer of San Miguel Corporation; Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Lopez; Atty. Jose Arturo Tugade, Executive Director of the Toll Regulatory Board (TRB); at Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano.
Winika ng Pangulo na binuksan ng gobyerno ang connector road mula CAVITEX hanggang C5 upang masiguro na magpapatuloy ang daloy ng trapiko mula highway.
“Mabubuksan na rin ‘yung papuntang Cabanatuan. Isa pa ‘yun para medyo mabigyan natin ng kaunting relief ang mga travelers na papunta sa Central Luzon,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Kaya patuloy nating pinabubuksan ang lahat ng ating mga kalsada upang mas madali ang magiging travel ng ating mga kababayan,” dagdag na wika nito.
Sa isang ambush interview kasama ang media matapos ang pagbisita ng Pangulo, sinabi ni SMC Chairman Ang na ang project cost ay nagkakahalaga ng P1 billion.
Ang SMC ang concessionaire and operator ng proyekto na nakumpleto noong December 2025 at binuksan sa publiko noong March 27, 2026.
Ayon sa government data, dahil sa nasabing proyekto, mababawasan ang travel time ng 15 hanggang 25 minuto para sa mga motorista na magmumula sa South Luzon Expressway (SLEX), Skyway Stage 3, at Lawton Avenue, partikular na tuwing peak hours.
Nauna rito, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na i-develop ang mga imprastraktura na magpapahusay sa connectivity at magde-decongest ng traffic sa Metro Manila.
Sa utos ng Pangulo, ang NAIAX Westbound Off-Ramp hanggang NAIA Terminal 3 Project ay itinayo para maihusto ang modernisasyon ng NAIA sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) program at magbigay ng bagong airport access para sa “smoother, more predictable travel.”
Idinagdag dito na ang road widening ay ginawa sa kahabaan ng Circulo del Mundo Rotonda patungo direkta sa NAIA Terminal 3.
Sa pagdating ng Pangulo sa off-ramp, kaagad siyang binrief nina Dizon at Ang sa pamamagitan ng briefing boards. Matapos ito, sumakay sila sa coaster upang magsagawa ng windshield inspection ng nakumpletong proyekto sa toll plaza.
“Traffic congestion and inefficient inter-terminal transfers at the NAIA cause subpar arrival and departure experiences from Manila, aggravated by unpredictable travel time for travelers transferring between NAIA terminals,” ayon sa ulat.
“As part of efforts to further enhance NAIAX, the project aims to improve connectivity among NAIA’s three terminals, with a projected 30 to 40 percent reduction in vehicle volume at the Andrews Avenue–Newport intersection by separating airport-bound traffic from local roads, providing immediate relief to commuters and residents of Newport City and Villamor,” ayon pa sa ulat. Kris Jose