Home NATIONWIDE Ilang mall, nagpatupad ng adjusted ops hours

Ilang mall, nagpatupad ng adjusted ops hours

162
0

MANILA, Philippines – Nagpatupad ng bagong operating hours ang ilang pangunahing mall operators sa bansa simula Marso 30, 2026 bilang bahagi ng pagtitipid sa enerhiya sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.

Kabilang sa nag-adjust ng oras ang Ayala Malls, Robinsons Malls, SM Supermalls, Starmall, at Vista Mall.

Karamihan sa mga mall ay magbubukas mula alas-11 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi tuwing weekdays, habang may mas mahabang oras sa weekend.

Ang Greenbelt naman ay mag-ooperate mula alas-11 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi araw-araw, habang ang SM Supermalls, Starmall, at Vista Mall ay magsasara ng alas-9 ng gabi kahit weekend.

Ipinatupad ang hakbang kasunod ng deklarasyon ng state of national energy emergency sa ilalim ng Executive Order No. 110 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naglalayong tiyakin ang sapat na suplay ng enerhiya at mabawasan ang epekto ng global oil disruptions. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here