Home NATIONWIDE PBBM at Speaker Dy, pinasinayaan inagurasyon sa postharvest facilities sa Isabela

PBBM at Speaker Dy, pinasinayaan inagurasyon sa postharvest facilities sa Isabela

109
0

MANILA, Philippines – Pinangunahan nina Pangulong Bongbong Marcos at House Speaker Faustino Dy ang inagurasyon ng warehouse, drying pavement at cold storage sa Isabela City na nakatuon para matiyak na ang lahat ng ani ay mapakikinabangan at walang masasayang.

Ayon kay Dy sa tulong ng mga bagong pasilidad ay matitiyak na ang mga produkto ay sariwang madadala sa mga pamilihan at masisiguro ang kita ng mga magsasaka dahil wala nang mabubulok na produkto.

“The Ambatali Warehouse and drying pavement are expected to speed up post-harvest handling, while the onion cold storage facility will help extend the shelf life of produce, reduce spoilage, and stabilize supply” pahayag ni Dy.

“Hindi lang po ito pagbubukas ng mga pasilidad—ito ay pagbubukas ng oportunidad para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga magsasaka at ng buong sambayanang Pilipino,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Dy na sa ilalim ng Marcos administration ay prayoridad ang pagpapalakas sa agrikultura.

“Kitang-kita natin ang malinaw na direksyon ng Pangulo—ang agrikultura ay hindi pangalawa, kundi pangunahing haligi ng ating ekonomiya,” ani Dy.

Pinuri din ni Dy ang Department of Agriculture sa pamumuno ni Secretary Francisco Tiu Laurel Jr na naglatag ng mga programa na ang direktang makikinabang ay ang mga magsasaka.

“Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, mas mapapabilis ang pagdadala ng ani mula bukid patungong pamilihan, mababawasan ang pagkalugi, at mas mapapahaba ang buhay ng kanilang produkto.

Tiniyak ni Speaker Dy na patuloy ang suporta ng Kamara sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga agricultural infrastructure at pagkakaroon ng mga post-harvest systems.

“Kapag inangat natin ang buhay ng magsasaka, iniaangat natin ang buong bansa. At iyan ang patuloy nating ipaglalaban sa Kapulungan,”paliwanag nito.

Kahalintulad na proyekto din ang gagawin sa ibang mga lugar upang matiyak na ang lahat ng mga ani ng mga magsasaka na nagsakripisyo sa pagtatanim ay hindi mababalewala.

“Hindi ito ang huling hakbang—ito ang simula ng mas matibay na paninindigan na ang pamahalaan ay katuwang ng magsasakang Pilipino, ngayon at sa hinaharap,” pagtatapos pa ni Dy. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here