Home NATIONWIDE DILG sa LGUs: 4-day onsite work-week, ipatupad

DILG sa LGUs: 4-day onsite work-week, ipatupad

156
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na magpatupad ng apat na araw na onsite workweek bilang bahagi ng pagtitipid sa enerhiya at gastusin ng pamahalaan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sa Memorandum Circular 2026-023, na ipinatupad alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ng DILG na maaaring isagawa ito sa pamamagitan ng compressed workweek o pagtatalaga ng isang work-from-home day upang mabawasan ang konsumo ng kuryente.

Bahagi ito ng mas malawak na hakbang upang mapababa ng hanggang 20 porsyento ang paggamit ng kuryente at fuel, alinsunod sa Government Energy Management Program.

Kabilang sa iba pang panukala ang pagpapanatili ng 24°C na setting ng air-conditioning, pagsasagawa ng virtual meetings, paglilimita sa official travel, pagpapahusay ng fuel efficiency, at pagbabawas ng paggamit ng elevator kung maaari.

“LGUs can lead by example by adopting simple but effective measures that reduce electricity and fuel consumption. Even small adjustments in daily operations can make a significant difference in achieving our goal of cutting energy use by as much as 20 percent,” ayon sa DILG.

Binigyang-diin ng ahensya na hindi dapat maapektuhan ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng mahahalagang serbisyo, lalo na sa kalusugan, kaligtasan ng publiko, at emergency. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here