
MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Baguio City ng tempertaturang 11.8°C, pinakamababa mula nang mag-umpisa ang Northeast Monsoon o Amihan season, ayon sa PAGASA.
Nanguna ang Baguio sa 10 lungsod na may pinakamababang temperatura hanggang nitong January 28.
Kabilang din ang mga sumusunod sa mga lungsod na may malamig na panahon:
Itbayat, Batanes – 15.6°C
Calayan, Cagayan- 18.4°C
Tanay, Rizal- 18.4°C
Sinait, Ilocos Sur- 18.7°C
Abucay, Bataan – 18.8°C
Casiguran, Aurora- 19.4°C
Malaybalay, Bukidnon- 19.5°C
Iba, Zambales – 19.7°C
Tuguegarao City, Cagayan – 20.2°C