Home LAGAY NG PANAHON Bagyo sa labas ng PAR, LPA sa Samar magpapaulan sa ilang bahagi...

Bagyo sa labas ng PAR, LPA sa Samar magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa – PAGASA

MANILA, Philippines – Naging isang bagyo na ang tropical depression sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa PAGASA nitong Huwebes, Agosto 10.

Bagama’t hindi papasok sa PAR, palalakasin nito ang southwest monsoon o habagat at magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa.

“[P]atuloy nitong na-eenhance o napapalakas itong ating southwest monsoon o habagat na nakakaapekto ngayon sa buong bahagi ngayon ng ating kapuluan,” sinabi ni Pagasa weather specialist Ana Clauren-Jorda.

Makararanas ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ng maaliwalas na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at kidlat lalo na sa hapon o gabi.

Samantala, ang ilang bahagi ng Visayas, Mindanao maging ang Albay, Sorsogon, Masbate, and Catanduanes, ay magkakaroon ng maulang panahon dahil sa low-pressure area (LPA) na namataan naman 235 kilometro silangan ng Borongan, Samar, maging ang habagat.

“Ang nasabing low pressure area ay hindi natin inaasahang maging isang bagyo, at posible rin itong matunaw sa susunod na mga araw,” sinabi pa ni Clauren-Jorda. RNT/JGC

Previous articleLotto Draw Result as of | August 10, 2023
Next articleTax reform isinulong ng DOF