Home NATIONWIDE Bakit Kailangan Mong I-bakcup ang Data Mo?

Bakit Kailangan Mong I-bakcup ang Data Mo?

Araw-araw tayong tumutuos, gumagamit at nagbabahagi ng impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay kilala rin natin bilang mga data na nasa iba’t ibang anyo bilang mga digital file na naka-store sa iba’t ibang format. Ang mga data na ito, gayunpaman, ay hindi ligtas sa mga panganib. 

Nariyan ang panganib dulot ng mga virus, mga pagka-corrupt ng mga data, at kahit pa mga panlabas na sanhi gaya ng pagkasira ng hardware o software. Kaya naman mahalagang magkaroon ng wastong pangangalaga sa mga data, mapakumpanya ka man o kahit simpleng indibidwal kung ayaw mong maharap sa panganib ng pagkasira o pagkawala ng iyong mga pinaghirapang data.

Ang pinakamabisang paraan upang maalagaan ang mga data ay sa pamamagitan ng backup at recovery.  Ang backup at recovery ay proseso ng paggawa at pag-store ng mga kopya ng data na magagamit sa pagprotekta sa mga organisasyon laban sa pagkawala ng data. Ang recovery ng data ay karaniwang kinabibilangan ng pagpapanumbalik ng data sa orihinal na lokasyon o sa isang alternatibong lokasyon kung saan magagamit ito kapalit ng nawala o napinsalang data. Ang layunin nito ay makagawa ng kopya ng datos na maaaring mapanumbalik sakaling may pangunahing data failure.

Maisasagawa ang pagba-backup at pag-restore ng data sa pamamagitan ng paggamit ng hiwalay na medium gaya ng external drive o USD stick o kaya naman isang disk storage system at tape drive. 

Para sa mas mahusay na resulta, maiging isagawa ang pagba-backup ng data sa isang patuloy at regular na paraan upang mapaliit nang husto ang dami ng data na nawawala sa bawat backup. Gayundin naman, kapag mas maraming kopya ang mai-store, mas malaki ang kasiguraduhan na mapanumbalik ang data sa puntong hindi pa naaapektuhan ang mga ito ng pagkasira o malisyosong atake.

Bukod sa mga naunang paraan na kadalasan ay gumagamit ng hardware, maaari rin namang mag-backup at restore ng data sa pamamagitan ng internet gamit ang cloud storage. Sa katunayan, ganito ang konsepto sa likod ng backup at restore ng GB Whatsapp at Free Fire. Sa WhatsApp, maaaring i-backup at restore ang mga data sa mismong Google account ng user, samantalang sa Garena Free Fire ay maaari itong gawin sa pamamagitan ng mga local server nito.

Kailang ba dapat i-backup ang data mo? Simpleng sagot: ngayon. Dahil hindi natin alam kung kailan mangyayari ang mga di-inaasahang panganib kaugnay sa iyong mga data, masidhing hinihikayat na gawin agad-agad ang pagba-backup ng mga data. Gaya ng kasabihan, ‘laging nasa huli ang pagsisisi’. Kaya’t kung ayaw mong magdusa sa pagkawala ng mga mahahalaga at pinaghirapang data, isagawa na agad at sa isang regular na paraan ang pagba-backup ng iyong mga data. RNT

Previous articleAno ang Pinagkaiba ng IPv4 at IPv6?
Next articleMSU bombing, paghihiganti ng mga terorista sa matagumpay na opensiba ng militar