Home HOME BANNER STORY MSU bombing, paghihiganti ng mga terorista sa matagumpay na opensiba ng militar

MSU bombing, paghihiganti ng mga terorista sa matagumpay na opensiba ng militar

PARA kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr. isang “retaliatory attack” ng terorista at extremist groups ang bomb attack sa Mindanao State University sa Marawi City, Linggo ng umaga, Disyembre 3.

Tinuran ni Brawner na naglunsad ang military ng “successive offensives” laban sa Islamic State (IS)-linked Daulah Islamiyah-Maute Group na nauwi sa neutralization ng ranking leaders nito.

Nito lamang Disyembre 1, sinabi ni Brawner na ang mga tauhan ng Joint Task Force (JTF) Central sa ilalim ng Western Mindanao Command (WestMinCom) ay naglunsad naman ng operasyon kung saan target ang Abdullah Sapal, ang newly-designated “emir” o lider ng DI-Maute Group, sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Ang misyon ay nauwi sa pagkasawi ng 11 DI-Maute Group members kabilang na ang Sapal.
Sinundan naman ito ng panibagong operasyon ng WestMinCom’s JTF Orion against Abu Sayyaf Group (ASG) leader Mudzimar Sawadjaan o mas kilala bilang Mundi, isang notorious bomb maker, sa Basilan noong Disyembre 2. Namatay siya sa operasyon.

Si Sawadjaan ang itinuturong utak na nasa likod ng Jolo Cathedral bombings sa Sulu noong 2019 na nagresulta ng pagkasawi ng 20 katao habang 102 naman ang nasugatan.

At bago pa ang a.m. bombing sa MSU, sinabi ni Brawner na naka-engkuwentro ng WestMinCom’s 103rd Infantry Battalion ang DI-Maute members sa Piagapo, Lanao del Sur na nagresulta ng pagkasawi ni Alandoni Macadaya Lucsadatu alyas”Lando” at “Abu Shams”, ang itinuturing na sub-leader ng grupo, at pagkasilo ng kanyang tiyakin na si Saadia Dato Angni.

“Maaaring retaliatory attack ‘yung nangyari kaninang umaga That is one angle that we are looking into,” ayon kay Brawner.

Inalerto naman ni Brawner ang lahat ng military units sa Mindanao at maging sa Kalakhang Maynila para maiwasan ang “overspill of violence.”

“We are continuously gathering intelligence so that we will be able to run after the perpetrators of this terroristic attack,” dagdag na pahayag ni Brawner.

Samantala, ipinarating naman ni Department of National Defense (DND) Sec. Gilberto Teodoro Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mahalagang “intelligence information” ukol sa bomb attack.

Dahil dito, nagpalabas ng kalatas ang Presidential Communications Office (PCO) kung saan ay sinisisi ni Pangulong Marcos ang “foreign terrorists” sa nasabing pag-atake.

“We are not at liberty to disclose [the foreign terrorists] but there is strong indication of a foreign element,” ayon kay Teodoro.

“Our law enforcement operations on both sides will continue unabated and in accordance with the President’s statement, we shall leave no stone unturned in order to root out the perpetrators of this heinous crime,” aniya pa rin. Kris Jose

Previous articleBakit Kailangan Mong I-bakcup ang Data Mo?
Next article1,692 aftershocks naitala pagkatapos ng M-7.4 Surigao quake