Home NATIONWIDE Ano ang Pinagkaiba ng IPv4 at IPv6?

Ano ang Pinagkaiba ng IPv4 at IPv6?

Photo from nordvpn.com

Kapag nagpapadala ang isang kompyuter ng impormasyon sa pamamagitan ng mga network, ang impormasyong ito ay napapaliit sa tinatawag na mga packet. Para masiguro na darating sa tamang patutunguhan ang mga packet na ito, bawat packet ay kinapapalooban ng IP information. Mula rito, mahihinuka nating ang IP o internet protocol ang siyang tumutulong upang makipag-ugnayan ang mga kompyuter/device sa isa’t isa gamit ang isang network.

Ang IP ay may magkaibang bersyon o “v” (version)—IPv4 at IPv6. 

Ang IPv4 ay ang unang bersyon ng IP na naging laan upang magamit. Inilunsad ito noong 1983 at siya pa ring pinakakilalang bersyon na ginagamit ngayon para sa pagtukoy ng mga device sa isang network.

Gumagamit ito ng 32-bit address space na nagbibigay ng halos 4.3 bilyong natatanging mga address, bagamat ang ilang IP block ay nakareserba para sa mga espesyal na gamit. Narito ang halimbawa ng IPv4 address: 192.168.10.150.

Ang IPv6 naman ay mas bagong bersyon ng IP na gumagamit ng 128-bit address format at mayroong kapwa numero at letra. Narito and halimbawa ng IPv6 address: 3002:0bd6:0000:0000:0000:ee00:0033:6778.

Pero bakit nga ba kailangan ng mas bagong bersyon ng IP? Simple lang. Dahil ang mundo ngayon ay nauubusan na ng mga natatanging IPv4 address kaya kailangan na ng IPv6. Maraming tao sa buong mundo ang may maraming device. Marami man kung tutuusin ang 4.3 bilyon na potensyal na IP address sa IPv4, kailangan pa rin ng marami pang IP address. 

Ang IPv6 ay mas maraming nagagawang natatanging address sa 128-bit address space na gamit nito, kumpara sa 32-bit address ng IPv4. Ibig sabihin ay nasa 1,028 beses na mas marami ito kaysa sa IPv4. Ang ilan pa sa mga mapapansing kaibhan ay ang sumusunod:

-ang IPv6 ay may built-in na QoS (quality of service)

-ang IPv6 ay may built-in na network security layer (Ipsec)

-inaalis ng IPv6 ang Network Address Translation (NAT) at nagbibigay ng end-to-end connectivity sa IP layer

-ang multicasting ay bahagi ng mga tampok sa IPv6, habang opsyonal naman ito sa IPv4

-ang IPv6 ay may mas malaking mga packet header (nasa dalawang beses na laki sa IPv4).

Pagdating naman sa bilis, wala namang malaking pinakaiba sa pagitan ng dalawang bersyon, bagama’t may ilang patunay na nagpapahiwatig na mas mabilis nang kaunti ang IPv6.

Kung nais mong malaman ang iyong IP, maraming paraan na makikita mo sa internet. I-search mo lang “What Is My IP” at ipapakita ng ilang resulta o ng ilang website kung ano ang IP ng device mo. RNT