MANILA, Philippines – Dapat hilingin ng PhilHealth sa administrasyon na ibalik sa kanila ang nailipat na P60 billion na pondo sa National Treasury.
Ito ang inihayag ni Supreme Court Associate Justice Antonio Kho Jr. sa oral arguments kahapon hinggil sa kontrobersyal na paglilipat-pondo ng Philhealth patungo sa National Treasury.
Nabunyag sa nasabing pagdinig na gumagawa ng sariling formula o computation ang insurance corporation kung magkano ang kanilang sisingiling subsidiya sa gobyerno base sa bilang ng indirect members na kanila namang minu-multiply sa halaga ng premium rate.
Ito ay sa kabila ng mandato ng Universal Health Care Law kung saan dapat magmumula ang pondo ng Philhealth.
Depensa naman ni Department of Health spokesperson Asst Sec. Albert Domingo, nakikita na ngayon ng administrasyon ang naobserbahan ni Kho.
Sinabi naman ni Kho na kung talagang nakikita ito ng kasalukuyang administrasyon ay dapat lang na ibalik nito ang kinuhang pondo. Teresa Tavares