Home OPINION ‘BALIK-ESKWELA 2024’    SA CL, ORDERLY DONE

‘BALIK-ESKWELA 2024’    SA CL, ORDERLY DONE

106
0

SA kabila ng samu’t saring problemang kinakaharap ng Central Luzon sanhi ng pagragasa ng baha dala ng Habagat at bagyong Carina  ay nairaos na maayos ang pagbubukas ng klase noong Lunes, Hulyo 29.

Nakalulungkot isipin na maraming school building ang nasira pero ito’y hindi naging hadlang para ‘di matuloy ang class opening sa mga lugar na sinalanta  an isa sa mapaminsalang super typhoon na dumating sa bansa.

Ang Philippine National Police ay isa sa pangunahing ahensya ng pamahalaan na  mahalaga ang ginagampanan kapag sumasapit ang taunang pagbubukas ng klase.

Samantala, ang Gitnang Silangan na matinding tinamaan ng daluyong ng  bagyong Carina ay maayos na naisagawa ang school opening  sa tulong ng halos 1,000  pulis na  ikinalat sa school premises.

Ipinahayag ni Police Regional Office 3 director PBGen. Jose ‘Daboy’ Hidalgo Jr. na naisakatuparan ang  “Ligtas Balik-Eskwela 2024,” alinsunod sa inilatag na patnubay ng National Headquarters na isinasagawa taun-taon.

Sinabi nito na halos 1K na PRO3 cops ang inatasan niyang ma-deploy sa mga paaralan, kolehiyo, unibersidad at mga kalapit na lugar para magsilbing bantay laban sa mga kriminal na nananamantala sa pagbubukas ng klase.

Iniutos din ang paglalatag  ng police assistance desks sa mga paaralan para mabilis na  matugunan ang mga dumarating na problema.

Inatasan din ang mga field officer na makipag- coordinate sa mga school official sa hangaring maiwasan ang hold-up, pickpocketing, snatching, drug pushing at maging ang pagdukot ng mga estudyanteng walang kalaban-laban.

Hindi lang binantayan ang mga kriminal kundi tumulong din ang mga pulis ng PRO3 sa pangangalaga ng trapiko sa lansangan na malapit ang mga eskuwelahan kaya naging smooth ang paglalakbay ng mga estudyante.

Ginagawa natin ang lahat na ito upang maiwasan ang anumang krimen na maaaring  mangyari, hindi lamang sa mga estudyante  kundi sa pangkalahatan para maging peace and orderly ang  school opening 2024, ayon kay Hidalgo.

Iba kapag laging ready. Great job PRO3 cops.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here