Home OPINION UTO-UTO AT SIPSIP NA PNP CHIEF

UTO-UTO AT SIPSIP NA PNP CHIEF

117
0

MARAMING tagasunod ngayon ng pamilya Duterte, partikular ni Vice President Sara ang nagngangalit ang mga bagang laban kay Philippine National Police chief PGen Rommel Marbil.

Ito ay kasunod ng ginawa ni Marbil na pag-aalis sa 75 police security personnel sa tanggapan ng Pangalawang Pangulo.

Karamihan sa police security ni VP Sara na inalis o saklaw ng ‘relief order’ ni Marbil ay mga dati nang security personnel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at mismo ni Sara.

Ibig sabihin, ito yung mga pulis na matagal nang pinagkakatiwalaan ng mga Duterte kung seguridad sa kanilang buhay ang pag-uusapan.

Sila ay mga pulis na pawang taga-Mindanao at inilipat sa Metro Manila. Ano bang ibig sabihin nito?

Sinabi ni VP Sara na nagsimula ito nang magbitiw siya bilang kalihim ng Department of Education, ihambing niya ang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa isang catastrophic event at nang lumabas ang “polvoron video” ni PBBM.

Basta na lang niya inalis ang mga security personnel ni VP Sara pero hindi na nakipagtalo ang Pangalawang Pangulo dahil alam niyang “may utos lang na sinusunod” o sadyang uto-uto o sipsip lang itong si Marbil sa kanyang mga boss.

Mananahimik na lang sana ni Sara sa isyung ito kung hindi lang puro kasinungalingan ang ipinakakalat ni Marbil ukol sa kanyang ginawa.

Aba’y kung nagawa ni Marbil na ilagay sa balag ng alanganin ang buhay ng pangalawang pinakamataas na pinuno ng ating bansa, ano na lang ang kaya niyang gawin sa mga simpleng mamamayan na nangangailangan ng proteksyon ng Pambansang Pulisya?

Kung nagawa niyang i-harass ang Pangalawang Pangulo ng bansa sapagkat kailangan niyang “magpalakas” sa nagluklok sa kanya, kaawa-awa naman pala tayo na mga simpleng taumbayan dahil “bulok ang diskarteng ito ng PNP chief.

Batid naman nating lahat na may halong pulitika at “pananabotahe” ang ginawa para sa seguridad ng ating Pangalawang Pangulo.

At syempre, batid natin na kaya “nagpapakauto” at sumosobra sa “pagkasipsip” ang PNP chief sa kanyang mga boss,  ito ay para mapagtakpan ang katotohanang talamak pa rin ang droga at bumalik ang takot ng mga Pilipino sa laganap na patayan, kidnapping at kung ano-ano pang krimen.

Sanamagan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here