Home NATIONWIDE Balik-kuryente sa mga nasalanta ni Opong, tatagal pa ng 1 buwan

Balik-kuryente sa mga nasalanta ni Opong, tatagal pa ng 1 buwan

282
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ng National Electrification Administration (NEA) na maibabalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng Severe Tropical Storm Opong sa loob ng isang buwan.

Ayon kay Engineer Eric Campoto, officer-in-charge ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Division, nakapuwesto na sa Masbate ang mga task force mula sa iba’t ibang electric cooperatives para mapabilis ang restoration.

“One month is probably long enough, this is our time frame to restore power since there are several task force members who will be there,” aniya sa panayam.

Prayoridad ang mainland Masbate, Ticao Island, at ilang bahagi ng Samar at Sorsogon. Sa ngayon, mahigit 3,000 consumer sa Ticao Island ang naibalik na ang kuryente.

Dagdag ni Campoto, nakikipag-ugnayan ang NEA sa DOE, NPC, PPA, Philippine Navy, at DPWH na tumutulong sa clearing operations. Nagpadala rin ng generator sets sa mahahalagang pasilidad gaya ng mga ospital.

Tinatayang aabot sa ₱400 milyon ang gastos sa pagkukumpuni ng mga nasirang linya ng kuryente, ayon kay DOE Secretary Sharon Garin. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here