Home NATIONWIDE Batas na nagbabawal sa kaanak ng gov’t official na makakuha ng kontrata...

Batas na nagbabawal sa kaanak ng gov’t official na makakuha ng kontrata sa gobyerno, pinasasaprayoridad ni Speaker Dy

321
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III nitong Martes na isama sa priority bills ng administrasyong Marcos ang panukalang nagbabawal sa mga kaanak ng opisyal ng gobyerno na makapasok sa mga kontrata ng pamahalaan.

Ilan pa sa mga panukalang itinulak ni Dy matapos ang unang pulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ng 20th Congress ay ang Disaster Risk Financing and Insurance Framework, pagpapalawig ng corporate life ng BCDA, Presidential Merit Scholarship Program, regulasyon ng digital campaigning, modernisasyon ng Bureau of Immigration, Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) bill, at Magna Carta for Barangays.

“The House’s legislative agenda for the 20th Congress is anchored on economic growth, stronger social protection, and governance reforms… Central to this agenda are laws that will secure affordable food, generate sustainable jobs, expand digital connectivity and raise the quality of public services for all Filipinos,” ani Dy.

Dagdag niya, 32 sa 33 priority measures ng ehekutibo ay naihain na sa Kamara, na aniya’y nagtatakda ng “positive tone” para sa masiglang pagtutulungan ng lahat ng sangay ng pamahalaan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here