Home NATIONWIDE P20/kg bigas umarangkada na sa Masbate

P20/kg bigas umarangkada na sa Masbate

349
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) nitong Martes ang programang bigas na ₱20 kada kilo sa ilalim ng “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” initiative para sa mga residente ng Masbate na tinamaan ng bagyong Opong.

Nagpadala ang National Food Authority (NFA) ng truckloads ng bigas sa lalawigan matapos salantain ng Severe Tropical Storm Opong.

“For one month in Masbate, starting Tuesday, we will be selling ₱20 rice to all households — up to 30 kilos — to immediately help our fellow Filipinos who are in direct need of stable, affordable food,” ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Mas mataas ang 30-kilong limit sa Masbate kumpara sa 10 kilong buwanang cap na ipinatutupad para sa vulnerable sector.

Tinatayang nasa 70,000 kabahayan sa Masbate ang naapektuhan ng Opong, ayon sa DSWD. Plano rin ng DA na ipatupad ang programa sa Eastern Samar. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here