Home METRO Bangkay ng lalaking walang saplot kinapon

Bangkay ng lalaking walang saplot kinapon

Image Representation Only

Bulacan – Isang hindi nakilalang bangkay ng lalaking walang saplot at tadtad ng saksak ang natagpuan sa isang madamong lugar sa bayan ng Bocaue.

Sa report ng pulisya, nasa edad 25 hanggang 30 anyos, medium built, fair complexion, nasa 5’5” ang tangkad ang hindi nakilalang biktimang lalaki.

Ayon sa report, natagpuan ang bangkay bandang 6:40 ng umaga nitong Hulyo 30 sa madamong lugar sakop ng Meralco Village, Brgy. Batia.

Nabatid na isang tawag ang kanilang natanggap mula sa Brgy. Batia na nagsabing may natagpuang bangkay sa naturang lugar.

Nang puntahan ng mga awtoridad ang lugar ay tumambad sa kanila ang walang saplot na bangkay ng lalaki.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen para mahuli ang hindi nakilalang salarin.

Samantala, sa isang comment ng netizen sa Facebook post na nagviral tungkol dito ay nagsabing tadtad ng saksak at umanoy tinanggalan pa ng bayag ang bangkay.

Maraming netizen ang nagpaabot ng pakikiramay at humingi ng hustisya para sa mga naulila. Dick Mirasol III