Home METRO Bayaning sekyu patay sa pagsagip sa 2 nalulunod na bata

Bayaning sekyu patay sa pagsagip sa 2 nalulunod na bata

MANILA, Philippines – Patay ang 18-anyos na security guard matapos sagipin ang dalawang nalulunod na bata sa baybayin ng Barangay Catarman, Liloan, Cebu noong Linggo, Pebrero 4.

Ang biktima ay kinilalang si Judel Escorel, working student at residente ng Barangay Poog, Toledo City.

Ang sinagip niya ay ang magpinsan na edad 11 at 12-anyos.

Ayon kay Police Major Eric Gingoyon, hepe ng Liloan Police Station, ang biktima ay nagtatrabaho bilang security guard sa isang tirahan malapit sa beach.

Naliligo sa dagat ang pamilya mula sa Consolacion, Cebu kasama ang dalawang menor de edad.

Nang makita ni Escorel na nalulunod ang dalawa ay agad siyang rumesponde at sinubukang iligtas ang mga ito.

Matagumpay na nasagip ni Escorel ang dalawang menor de edad, ngunit siya naman ang tinangay ng malakas na alon at nalunod.

Narekober sa Suba Bridge sa Barangay Poblacion ang katawan ng bayaning security guard. RNT/JGC

Previous articlePanukalang magpapalawak sa Pisay system aprubado na sa Kamara
Next articleConversion ng Eastern Samar State University-Arteche campus pasado na sa Kamara