Home ENTERTAINMENT Bea, dedma sa halikan nina Dom at Sue, idinaan sa glam post!

Bea, dedma sa halikan nina Dom at Sue, idinaan sa glam post!

Manila, Philippines- Marami ang nag-speculate na the least Bea Alonzo could react to the Siargao kissing video between Sue Ramirez and ex-boyfriend Dominic Roque was to simply shrug it off.

Bakit pa nga naman kallangan pang mag-react ng Kapuso actress, samantalang matagal na silang break ni Dominic?

Bea–as they say about her–remains unbothered.

Gayunpaman, iginigiit ng mga netizens na kahit paano ay may “subtle” o disimuladong reaksyon si Веа.

Idinaan nga lang niya ito sa glam post.

Napagkakamalan ngang si Pia Wurtzbach siya sa post na ‘yon.

Parang may thought balloon daw si Bea na: “Sorry kayo, maganda ako…Miss Universe lang naman ang peg ko!”

In that sense, kabog nga niya si Sue na kung panonooring mabuti ang viral video was the one who “seduced” Dom para halikan siya.

At saka under closer scrutiny, hindi naman sila nag-lips to lips sa loob ng bar.

Around their friends, would they have had the guts na maglaplapan nang bonggang-bongga?

Again, kung ipe-playback ang part na ‘yon, tumama ang mga labi ni Dom sa kaliwang pisngi ni Sue.

‘Yun nga lang, hindi pa totally “off the hook” si Sue.

Nagtatanong pa rin ang mga netizens kung split na ba talaga sila ni Victorias City Mayor Javi Benitez para mag-behave nang ganoon si Sue. Ronnie Carrasco III