Home ENTERTAINMENT Bea, iniintrigang engaged na!

Bea, iniintrigang engaged na!

Manila, Philippines- In fairness, hindi masisisi ang mga netizens kung iniisip nilang engaged na si Bea Alonzo.

Paano ba naman kasi, sukat ba namang lumikha ng ingay ang post ng Kapuso actress sa Instagram wearing a diamond ring!

Ano pa ba naman ang lisipin ng mga netizens kundi Bea is already engaged to her rumored boyfriend Vincent Co?

Ang lagay na ‘yan ay wala pa silang public admission na sila na nga.

Pero come to think of it–kailangan pa bang may pag-amin?

Anyway, takaw-pansin nga ang diamond ring na suot ni Bea, photo of which she proudly flexed on IG.

Bale ba, ang laki pa ng bato ng singsing!

Kahit sino would mistake it for an engagement ring.

Pero ‘yun na nga, how can that be gayong hindi pa lumalantad ang dalawa to announce the real score?

Excited na nga ang mga fans ni Bea sa inaasahang ganap sa buhay niya–that is, ang kasalan.

Pero para raw binuhusan ng malamig na tubig ang mga ito nang iklaro mismo ni Bea kung bakit may diamond ring siyang suot.

Susme, endorsement pala ‘yon referring to the product na My Diamond na ginawan pa ng caption ng aktres!

In short, waley pala ang inakala nilang havey!

Pero ‘di kaya ploy lang ito ni Bea para iligaw ang kanyang mga fans?

Hmmm… Ronnie Carrasco III