Home METRO Bebot, 4 iba timbog sa buy-bust ops sa Elyu

Bebot, 4 iba timbog sa buy-bust ops sa Elyu

LA UNION – Swak sa kulungan ang isang 22-anyos na babae at apat na kasama nitong lalaki matapos silang maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Biday, San Fernando City ng lalawigang ito kagabi.

Ayon sa mga otoridad ang naarestong babai at apat na lalaking kasama nito na edad 38, 32, 27, 28 ay pawang mga residente ng naturang lungsod.

Ang naturang buy-bust operation ay ikinasa ng mga personnel ng City of San Fernando PS (lead unit) kasama ang RID1, RDEU, LUPIU, LUPDEU, TSC-RMFB1, 1st and 2nd LUPMFC at PDEA LUPO sa pakikipag-ugnayan nila sa PDEA RO1.

Bandang 5:00 ng hapon nang simulang ikasa ng mga otoridad ang buy-bust operation na umabot hanggang 8:00 ng gabi.

Sa naturang buy-bust operation ay nakakumpiska ang mga otoridad ng tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tumitimbang ng humigit kumulang sa 2 gramo ang nakumpiskang hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P13,600.

Bukod sa hinihinalang shabu, nakakumpiska rin ang mga otoridad ng mga non-drug evidence.

Ginawa mismo sa naturang lugar ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya sa presensya ng mga mandatory witnesses at ng suspek. Rolando S. Gamoso