MANILA, Philippines – Arestado ang isang babae sa Quezon City matapos tumakas sa isang aksidente sa kalsada at magpanggap na pulis, ayon sa QCPD.
Kinilala ang suspek na si Keith Valdez Bagtas, 29, na bumangga sa isang sasakyan sa EDSA habang nakasuot ng uniporme ng PNP.
Nagpakilala siyang pulis sa mga enforcer bago tumakas, sinasabing may koneksyon siya kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil.
Naaresto siya nang muling masangkot sa gulo sa LTO 20th Avenue, kung saan naman ay nanakit siya ng estudyante at nagbanta sa isa pa.
Narekober sa kanya ang marijuana-infused vape, P1,400 halaga ng kush, at iba pang paraphernalia. Kinasuhan siya ng threat, usurpation of authority, at physical injury. RNT