MANILA, Philippines- Nasabat ng Taguig Police ang P4.8 milyong halaga ng shabu noong Jan. 22 sa buy-bust operation sa Barangay South Signal.
Nagresulta ang operasyong isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pagkakaaresto sa isang babaeng suspek na kinilalang si alyas Sherhana, 32, na tinukoy ng mga pulis bilang isang high value individual.
Sa operasyon, nasamsam ng mga pulis ang tatlong plastic bags na naglalaman ng 708.5 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P4.81 milyon.
Narekober din ang tunay na P1,000 bill na ginamit na marked money, 49 piraso ng pekeng P1,000 bills (boodle money), at paper bag na pinaniniwalaang ginamit sa transaksyon.
Kakasuhan ang suspek na nakaditine sa Taguig Police custodial facility ng paglabag sa Sections 5 (sale) and 11 (possession of illegal drugs) ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
“This operation underscores our dedication to safeguarding our communities from the devastating impact of illegal drugs,” pahayag ni Brig. Gen. Manuel Abrugena, direktor ng Southern Police District (SPD). RNT/SA