Manila, Philippines – Ayon kay Bela Padilla, isa sa mga dahilan kaya pinasok niya ang pagdidirek ng pelikula ay para lumawak ang kanyang mundo sa industriya.
Hirit pa niya, aware raw naman siya na hindi siya iyong tipo ng artista na kasing-bankable ni Bea Alonzo.
Sey pa niya, bet daw niyang huwag makulong sa label na artista lang na pag-arte lang ang alam.
Nag-aral siya ng scriptwriting at kumuha ng filmmaking course sa London para lawakan pa ang kaalaman niya sa paggawa ng pelikula.
Katunayan, naka-dalawang pelikula na siyang naidirehe.
Ang isa raw ay naging malaking hamon para sa kanya.
Ginawa raw niya ito noong panahon ng pandemya.
Nagkaroon daw ito ng aberya dahil noong nag-shoot sila sa Turkey ay hindi nakalipad si JC dahil nag-expire ang passport nito.
Ang nangyari raw kasi, hindi nasabi sa kanya ng aktor na mag-e-expire ang kanyang passport.
Nahirapan daw naman silang remedyuhan ito dahil sarado ang ahensiyang kukunan ng pasaporte.
Kaso, noong filming daw nila ay talagang preparado siya maging sa props na gagamitin ng aktor.
Dala raw niya ang maletang naglalaman ng mga costume na gagamitin ni JC kasama ang duguang damit nito.
Ang ending na-hold daw siya sa immigration sa Istanbul at pinagpaliwanag.
Naabswelto lang daw siya nang maipaliwanag niya na isa siyang filmmaker.
Tungkol daw naman sa mga eksena ni JC, dinaya na lang daw nila ito at kinunang nakatalikod ang isang lalakeng kabulto ng aktor. Archie Liao