KINASUHAN sa Office of the Ombudsman ng paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, kasong katiwalian at paglabag sa local government code of the Philippines ang Vice Governor ng Benguet ng isang grupo ng civil society organization.
Ang kaso ay may kinalaman sa hinihinalang umanoy sa 30-mga infrastructure project na nakuha ng Tagel Corporation, isang kumpanya na umano’y pagmamay-ari umano ni Benguet incumbent Vice Gov. Ericson Felipe.
Ayon sa complainant na si John Chiong, founder at chairman-president ng Task Force Kasanag, batay sa kanyang isinampang kaso kaduda-duda umano ang mahigit 1.6-bilyong pisong kinita ng Tagel Corporation sa ibat-ibang mga proyekto sa Apayao dahil sa impluwensiya umano ng vice governor bilang opisyal ng local government.
Sa ilang pahinang reklamo ni Chiong, hinihinala na ginamit umano ni Vice Gov. ang kanyang posisyon sa gobyerno para pumabor para sa kanyang negosyo.
Nabatid pa sa reklamo na ang bise gobernador pa umano ang nakarehistrong may-ari sa 60-percent share ng Tagel Corporation.
Sinabi pa ni Chiong sa kanyang reklamo na malinaw aniya na conflict of interest ito sa vice governor at paglabag sa nakasaad sa umiiral na mga batas para sa lahat ng mga nakaupong mga government official.
Kaugnay nito batay sa hawak na rekord ng grupong Task Force Kasanag, nakakuha umano ng 12 proyekto na nagkakahalaga ng 632-million pesos ang Tagel Corp. sa Apayao noong 2012 at 18 projects naman noong 2023 na nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong piso. Santi Celario