Home NATIONWIDE BI nagpaalala sa mga dayuhan sa annual reporting sa Enero

BI nagpaalala sa mga dayuhan sa annual reporting sa Enero

MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na nakatakda nilang simulan ang 2025 Annual Report para sa lahat ng rehistradong dayuhan simula sa Enero.

Nabatid na ang mga rehistradong dayuhan ay inaatasan ng batas na personal na mag-ulat sa BI sa loob ng unang 60 araw ng taon, na nagpapakita ng mga kinakailangang dokumento para sa kanilang Annual Report.

Kasama sa mga rehistradong dayuhan ang mga nagtatrabaho, naninirahan, at nag-aaral sa bansa, na may ACR I-Cards.

Ayon kay BI alien registration division chief Atty. Jose Carlitos Licas Jr., ang naturang serbisyo ay makukuha sa online platform ng BI sa e-services.immigration.gov.ph.

Ang pisikal na Annual Report para sa punong tanggapan ng BI sa Maynila ay isasagawa sa 4th Level Center Atrium, Robinsons Manila, at sa Government Service Express (GSE) Unit ng SM Mall of Asia, mula Lunes hanggang Biyernes, hindi kasama ang mga holiday, sa pagitan ng alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon.

Bukod sa dalawang malls, maaari ring tumugon ang mga tanggapan ng BI sa buong bansa sa pag-uulat. JR Reyes