MANILA, Philippines- Na-monitor ng Philippine Navy ang bahagyang pagtaas ng bilang ng Chinese warships sa West Philippine Sea (WPS) kahit na ang kabuuang bilang ng vessels mula sa China ay bumaba sa nakalipas na linggo.
Namataan ang 17 warships sa WPS, mas mataas sa naunang bilang na 16, base sa Philippine Navy nitong Martes.
Mula Sept. 24 hanggang 30, naitala ang sumusunod na People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessels ng China sa sumusunod na WPS features:
Bajo de Masinloc — isang PLAN
Ayungin Shoal — dalawang PLANs
Pagasa Islands — dalawang PLANs
Parola Island — isang PLAN
Likas Island — isang PLAN
Lawak Island — isang PLAN
Panata Island — isang PLAN
Rizal Reef — isang PLAN
Escoda Shoal — limang PLANs
Iroquois Reef — dalawang PLANs
Karamihan sa Chinese warships ay namataan sa Escoda Shoal, kung saan isang Philippine Coast Guard (PCG) vessel ang kamakailan ay nagsimulang magpatrolya bilang kapalit ng BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard.
Bukoid sa PLAN vessels, na-monitor din ng Philippine Navy ang 131 Chinese maritime militia (CMM) vessels, 28 China Coast Guard (CCG) ships, at tatlong research vessels sa sumusunod na WPS features:
Bajo de Masinloc — limang CCGs, anim na CMMs, dalawang research ships
Ayungin Shoal — 10 CCGs, 12 CMMs
Pagasa Islands — dalawang CCGs, 46 CMMs
Kota Island — anim na CMMs
Likas Island — isang CMM
Panata Island — apat na CMMs
Rizal Reef — isang CCG
Escoda Shoal — 10 CCGs, 12 CMMs
Julian Felipe Reef — 16 CMMs
Iroquois Reef — 28 CMMs