MANILA, Philippines – IBINAHAGI ng Bureau of Immiogration (BI) na patuloy ang mataas na bilang ng mga departures kahit natapos na ang holiday season.
Sinabi ng BI na nakapagtala sila ng halos 30,000 hanggang 31,000 na bilang ng departures kada araw sa mga international airports. Ang bilang ay mas mataas sa dating 21,000 hanggang 25,000 kada araw na naproseso noong unang linggo ng Disyembre.
Sa datos ng BI, mula Enero hanggang Disyembre ng 2023, nakapagtala sila ng 13,224,308 na umalis na mga pasahero. Naitala ang buwan ng Disyembre nang may pinakamaraming bilang ng departures na 1,201,484.
Mahigit 7 milyon na Filipino ang umaalis sa panahong ito na karamihan ay mga OFW at mga turista sa ibang bansa.
“A lot of Filipinos have traveled this year as countries reopened their borders after the pandemic,” ani Tansingco.
Bago ang pandemya, nagtala ng mahigit 8 milyon ang BI na mga umalis na Filipino. JAY Reyes